Wednesday, October 10, 2007

Sagot sa Bangungot

Isang basong tubig kontra bangungot COMPUTER age na tayo, pero may nagkukuro pa rin na ang bangungot ay dahil minumulto sa panaginip. May modernong eksplanasyon na, dahil mga Pacific islanders ang madalas binabangungot, marahil ay dulot ito ng pagkain nang sobrang maalat, tulad ng bagoong.

Sa huling saliksik sa Japan at China, ang bangungot ay "acute hemorrhagic pancreatitis". Dinurugo ang pancreas, organ na naglalabas ng chemicals na pagtunaw sa kinain. Pinag-aralan ng mga doktor ang huling kinain ng mga biktima ng bangungot. Nabatid nila na karamihan ay kumain ng pansit bago matulog. Pero hindi noodles ang nagbunsod ng pancreatic attack kundi dehydration o pagtuyot ng tubig sa katawan. Ang noodles ay nag-a-absorb ng tubig sa katawan. Lumalala ito kung nasabayan ng pag-inom ng alak at wala nang iba panglaman ang tiyan. Nagkakaroon daw ng electrolyte imbalance at iba pangkomplikasyon.'Yun daw ang sinapit ni aktor Rico Yan. Payo ng mga doktor, uminom ng isang basong tubig bago matulog, lalo na kung nagpansit. Noon pa sina- sabi ng mga erbolaryo na uminom ng kumulong tubig, lalo na pagkatapos mag-inuman. Iwas bangungot.

Napaka-halaga ng tubig sa tao. Ang katawan natin ay 70% tubig.Nagsisimula tayong mauhaw sa pagbawas ng 1% lang ng body fluids, at maaari tayong mamatay kung umabot sa 10%. Sampung araw lang ang kayang itagal ng tao nang walang tubig. Isang basong tubig lang, patay na ang pagkalam ng sikmura sa hatinggabi, anang mga dieticians sa University of Washington. Naiibsan ang pesteng back at joint pains ng apat sa bawat limang pasyente sa pag-inom lamangng 8-10 basong tubig araw-araw. Limang baso nga lang kada araw,nababawasan ang risk ng breast cancer nang 80%, at ang bladder cancernang 50%. Higit sa lahat, ang tubig at hanging hinihinga natin ang bumubuhay sa 100 bilyong brain cells para tayo makapag-isip, magbasa,bumilang at lumikha.

No comments: